tindahanai

← Help Center

Paano magbayad ng ₱199

1. Buksan ang Billing sa web — tindahanai.com, hindi sa app. 2. Pindutin ang Mag-renew — ₱199. 3. I-scan ang QR sa GCash mo, o kopyahin ang numero at halaga. 4. Ipadala ang eksaktong halaga. Mahalaga ang bawat sentimo — iyon ang pantukoy sa bayad mo. 5. Kunin ang reference number o screenshot, tapos i-upload. 6. Aktibo agad ang account mo. Hindi ka maghihintay sa amin.

Ico-confirm namin ang bayad sa loob ng isang araw ng trabaho. Kung may problema, kami ang lalapit sa'yo — may paliwanag, hindi biglaang pagsara.

Walang auto-debit. Walang kinakaltas sa GCash mo. Bawat bayad ay sinadya mong ipadala.

Hindi gumagana? Kausapin mo kami na dala ang reference number.